Mahal Na Mahal

Nagku-kwento ang isang bading sa kapwa niya bading tungkol sa BF niya:

Alam mo ate, dito sa bf ko na'to natuto akong magtipid lalo na sa pagkain.Pag kumakain kami ,ang ulam niya pork chop, ako ketchup! At saka malambing sya. Tuwing matutulog kami nilalagyan nya ako ng plastic bag sa ulo ko. Pag hindi na ako makahinga, aalisin nya yung bag tapos sasabihin nya sa'kin: I Love U!!
At alam mo pa, ate, hindi sya humihingi ng pera sa'kin. Basta na lang sya kumukuha sa wallet ko!!
Sinisiraan nga sya ng mga amiga ko eh! Sabi sa'kin malikot daw ang kamay ng bf ko. Kasi nung isang araw na umuwi ako ng bahay ko, wala yun frigidaire ko. Ayoko namang pagbintangan siya kaya inisip ko na lang na na-misplaced ko yung ref ko!!! Ay nakuuuu, ate!!! love na love ko syaaaaaaaaaaaaa!!!!