Job Interview ni Juan

Dahil first job interview ‘to ni Juan pinaghandaan niya ng husto, nag research at nag aral siya sa mga posibleng itatanong sa job interview.

MAM: Next applicant JUAN. Merong 50 na kahon sa eroplano. Kung nahulog ang 1, ilan ang matitira?

JUAN: Confident! Alam ko yan MAM, Madali lang yan, eh di 49!

MAM: Ngayon, sabihin mo sakin ang 3 steps kung paano mo mailalagay ang elepante sa ref?

JUAN: 1. Buksan ang ref 2. Ilagay ang elepante 3. Isara ang ref

MAM: 4 steps naman kung paano mo mailalagay ang usa sa ref?

JUAN: 1. Buksan ang ref 2.Alisin ang elepante 3.Ilagay ang usa 4.Isara ang ref

MAM: Ngayon, birthday ng leon. Andun lahat ng hayop maliban sa 1. Anu un at bkit ?

JUAN: Yung usa, dahil nasa loob siya ng ref.

MAM: Next question, paano makakatawid ang matandang babae sa ilog na puno ng buwaya?

JUAN: Tatawid lang siya kase wala naman yung mga buwaya. Andun sila sa birthday ng leon.

MAM: Pero namatay parin yung matanda. Sa anong dahilan?

Sa isip ni JUAN, ang dadali lang ng tanong nasagot ko lahat. Makakapagtrabaho na rin sa wakas! :))

JUAN: Marahil, nalunod? (Napa ngiti si Juan kay Mam)

MAM: MALI! Tinamaan siya nung kahon na nahulog mula  sa eroplano. tsk tsk tsk. Maaari ka ng umalis… Next applicant please!

Napa nga nga na lang si Juan…