EKSENA SA LOOB NG JEEPNEY!


NAKAKAKILABOT!

Mag ingat sa pag sakay ng jeep, lalung-lalo na sa gabi.

Isang gabi sumakay ako ng jeep. Lahat ng pasahero nakatitig sa akin. Walang umiimik. Weird man yung pakiramdam, di na ako bumaba. Dahil nakasanayan ko namang magbayad pagkasakay inilabas ko ang bayad ko at sinabing:

"Ma, bayad po, sa Sandigang Bayan lang."

Pero lahat nakatingin padin sakin. Wala pa ding umiimik. Yung isa bumulong sa katabi. Naiirita kong sinabi: "PWEDE PONG PAKIABOT ANG BAYAD?!"

Pero, lahat sila nakatingin padin sakin.

Maya-maya, may isang matandang babae ang umusog palapit sa akin at bumulong:

"Hindi ka na dapat naparito iho. Umalis ka na habang hindi pa nakakaalis itong sasakyan. Kung hindi, pagsisisihan mo ang pwedeng mangyari. Hindi kana makakauwi sa inyo."

Napalunok ako, pinagpawisan ng malapot at sumagot:
"Ano ho ang ibig niyong sabihin?"


Ang sagot niya:
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"INARKILA NAMIN TO. MAG-NA-NIGHT SWIMMING KAMI! TANGA KA?!"