Eye check

Ben : Doktora, malabo na yata ang mga mata ko. 
Doktora : Tingnan mo ang legs ko. 
Ben : Wala pa rin ho. 
Doktora : Tingnan mo ang panty ko. 
Ben : Wala pa rin ho. 
Doktora : Loko! Bakit bumubukol ang pantalon mo!? 
LOL

Diamond

Juan: Birthday ng asawa ko...
Pedro: Ano regalo mo?
Juan: Tinanong ko kung ano gusto niya.
Pedro: Ano naman sinabi?
Juan: Kahit ano basta may DIAMOND.
Pedro: Ano binigay mo?
Juan: Baraha.

Matapang



Pasyente: Doc takot ako sa bunot eh!Dentista: Heto gamot pampalakas ng loob.
Pasyente: (uminom ng gamot)
Dentista: Matapang ka na ba?
Pasyente: Oo doc, 'pag may gumalaw sa ngipin ko gugulpihin ko! 

Agaw Buhay


Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan.
Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan
na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.
"Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat
sa iyo."
"Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."
"Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........"
"Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang
importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo
rito sa mundo."
"Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinag-taksilan kita
sana ay patawarin mo ako."
"Alam ko iyon, kaya nga kita NILASON."

Ang''PinakaMALANDI''na sagot


Ang''PinakaMALANDI''na sagot ng mga babae pag mag-aapply ng trabaho....

''Kahit anong POSITION sir..,

''Basta MAKAPASOK lang.''....:DD:DD

Namatay ang GF

Girl: Namatay daw gf mo?
Boy: Oo eh.
Girl: Condolence ha?
Boy: Salamat. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na wala na sya.
Girl: Puwede ako na lang pumalit sa kanya?
Boy: Ewan ko... Baka hindi pumayag yung funeral... Buhay ka eh..

Anong Gusto Pag Laki

A: anong gusto mong maging paglaki mo?...
B: cellphone...
A: bakit?!...
B: para maging importante din ako syo... lagi mong hawak... laging pinapansin... at kung mawala o manakaw, alam kung malulungkot ka... 

Mas magaling

Bugaw: Sir, Chicks P1,500, estudiante!

Man: Ganun ba? Hanapan mo ako ng mga P1,000 lang pero mas magaling pa sa estudiante.

Bugaw: Yung PRINCIPAL, sir!

Ano ang tawag

Ano ang tawag sa boobs na maliit?

ABOT-KAMAY

Ano naman ang tawg sa boobs na malaki?

KAPOS-PALAD

Eh, sa flat-chested?

SAWING-PALAD

Juan sa NBI

Inimbitahan ng isang imbestigador sa opisina ng NBI si Juan na walang trabaho pero buhay milyonaryo. Dumating si Juan kasama ang kanyang abogado sa NBI.

Imbestigador: Juan, pinatawag ka namin dito dahil naghihinala kaming isa kang drug trafficker at lider ng isang sindikato dahil nakapagtatakang namumuhay kang milyonaryo gayong ikaw ay walang tinapos at walang trabaho. Gusto naming malaman kung paano ka kumikita ng milyong milyong pera.

Juan: Sir, sa legal pong paraan kong kinikita ang aking mga pera. Sa pamamagitan po ng pustahan ako po ay kumikita ng daang daang libong piso. Kung gusto nyo po patutunayan ko sa inyo. Dodoblehen ko po ang sampung libo ninyo kung makakagat ko ang aking kanang mata.

Imbestigador: Imposibleng makagat mo ang yong mata. Sige, call ako dyan.

Dinukot ni Juan ang kanyang pekeng mata sa kanan at kinagat. Nagulat naman ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: Sir, dodoblehen ko po ang singkwenta mil ninyo kung pupusta kayong kaya kong kagatin ang aking kaliwang mata.

Imbestigador: Yan ang talagang imposible. Paano ka makakakita kung parehong peke ang dalawa mong mata. Call ako dyan!

Kinuha ni Juan ang kanyang pustiso at kinagat ang kaliwang mata. Mangingiyak ngiyak ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: (Pumunta sa dulo ng dalawang metrong mesa ng imbestigador) Sir, dodoblehen ko po ang ang sandaang libo ninyo kung pupusta kayo na kaya kong umihi sa basurahan nyo na nasa kabilang dulo ng mesang ito mula rito sa kinatatayuan ko. Patutunayan ko sa inyo na di mababasa ng kahit isang patak ang mesa nyo.

Imbestigador: Pinatatawa mo ako, Juan. Iyan ang talagang imposible. Sigurado akong di ka na mananalo sa pustang yan. Kaya, call ako!

Umihi si Juan at dahil sa imposibleng abutin ng ihi niya ang basurahan sa kabilang dulo ng dalawang metrong mesa ay sinadya na lang nyang ihian ang mesa ng imbestigador. Napahalakhak ang imbestigador sa tuwa. Ngunit, tawa rin ng tawa si Juan.

Imbestigador: Eh bakit tawa ka pa nang tawa, eh talo ka na nga ng sandaang libo?

Juan: Sir, natutuwa po ako dahil nanalo po ako ng limang daang libong piso sa pustahan namin ng abogadong kasama ko. Nagpustahan po kami na ako ang mananalo kung kayo ay matutuwa kapag inihian ko ang mesa ninyo.

Abogado: Waaaahhhhh!

Si Mister at si misis

Misis: Hudas ka! lagi kang umuuwing lasing. Naaasar na tuloy ako sa mukha mo.

Mister: Pero mahal, kung hindi ako lasing, ako naman ang maaasar sa mukha mo!

Asawa may taning na

Wife: Lab, may taning na ang buhay ko. Huling gabi ko na to, let's make love.

Husband: Heh! tumigil ka nga. maaga pa akong gigising bukas, buti ikaw hindi na.

Ang relasyon

Ang relasyon ay parang ILAW NG KOTSE. Dapat parehong gumagana. Dahil kapag pundido ang isa, iisipin ng makakasalubong mo, SINGLE ka.