Ampon

Anak: 'Nay, tinutukso po ako ng kalaro ko na anak ako sa labas! 
Nanay: Hindi totoo 'yan, anak. Ang sabihin mo sa kanila, ampon ka!

Downy

GIRL: Ang puti naman ng bird mo... 
BOY: Aba syempre ah!!! Likas papaya ata gamit ko diyan!!! 
GIRL: Ginagamitan mo rin ba ng Downy? 
BOY: Baket? Bango ba? 
GIRL: Lambot eh!!! 

Promotion

Judge: Ikaw na naman! Sampung taon ka nang dito humaharap sa korte ko, ha? 
Swindler: Your honor, hindi ko kasalanan kung hindi po kayo ma-promote. 

Panchito, Babalu at Dolphy

Panchito: Vitamins ko ABC -- Alak, Babae at Cigarette. 
Babalu: Ako naman DEF -- Damo, Egg at Frutas. 
Dolphy: Ako, from A to Z. Alma to Zsa Zsa. 

Suko sa Mister

Mrs 1: Suko na ako sa mister ko, lagi na lang ako binubugbog bago niroromansa...
Mrs 2: Mas grabe yung mister ko. Binubugbog ako tapos si Inday ang niroromansa.

Ibang posisyon


Husband: Shall we try a different position tonight?
Wife: That's a good idea dear?.doon ka sa may plantsahan at ako naman
ang uupo sa sofa at manoood ng tv.

Bading

Farmer: lalaki na talaga ang aking anak kasi magsasaka na...ano ang balak mo itanim sa sakahan mo anak?
Anak: flowers papa!!! madaming madaming flowers! pretty diba?!

Highblood

Si Don Pedro nag pacheckup sa doctor kasi highblood sia. Sinabi ng Doctor na wag na siyang kakain ng matataba tulad ng baboy at balat ng manok. Dapat kumain na lang sia ng mga lumalangoy tulad ng isda. Pagkatapos ng isang buwan bumisita ang Doctor kay Don Pedro. 

Tinanong ng Doctor yung katulong kung saan si Don Pedro. Sinabi ng katulong na nasa swimming pool si Don Pedro. Sabi ng Doctor: “ah nag eehersisyo sa paglangoy si Don Pedro”. Katulong: “D po, tinuturuan yung baboy na lumangoy”.