Fidel, Lacson and Erap sa gubat

Nahuli si Fidel, Lacson at Erap ng mga Abu Sayaff, at dinala sila sa kuta nila sa gubat. Plano silang patayin ng mga ito. Dinala sila sa pinuno ng mga Abu Sayaff, at ang sabi, "Mabait naman akong tao eh, di ko kayo papatayin kaagad, bibigyan ko kayo ng 10 minutos para makatakas, tapos hahabulin kayo ng mga bata ko. Kailangan di nila kayo makita or else...tigok kayo!" Pinakawalan sila at tumakbo sa gubat, makalipas ang 10 minuto, narinig na nila ang mga baril ng mga Abu Sayaff, hinahabol na sila.
FIDEL: Mga pare, hinahabol na tayo! Kapag hindi pa tayo nakaalis dito, patay tayo!
LACSON: Oo nga eh, gamitin natin ang training natin na itinuro sa atin sa PMA nun.
ERAP: Teka, hindi ako nag-aral dun eh, ano ba ang dapat nating gawin?
FIDEL: Akyat tayo sa mga puno para hindi nila tayo makita.
LACSON: Tama!
ERAP: Sige.
Dali-dali silang umakyat ng kanya-kanya nilang puno. Nang naabutan na ng mga Abu Sayaff ang lugar na pinagtataguan nila, may napatingin sa isang puno kung saan nagtatago si Lacson.
ABU SAYAFF: Pare ano yung nasa taas ng puno?!
Since sanay si Lacson sa ganitong sitwasyon dahil itinuro sa training nila, kaagad syang nakaisip ng isang hayop na gagayahin nya para hindi mahalata na tao sya.
LACSON: Whu-whu-whu (tunog ng kuwago)
ABU SAYAFF: Ala yun, kuwago lang pala eh!
Naglakad pa sila at sa di kalayuan narating nila ang puno na pinagtataguan ni Fidel.
ABU SAYAFF: Uy, ano yung nasa itaas ng puno?!
Galing din sa militar si Fidel kaya nakaisip din kaagad ng gagawin nya.
FIDEL: Huhuhuhahahaha (tunog ng unggoy)
ABU SAYAFF: Eh unggoy lang pala, tara!
Pagdating na sa puno ni Erap.
ABU SAYAFF: Pare, ano yun? Sabay turo sa itaas ng puno.
Since hindi nag-aral sa PMA si Erap, ala syang training sa ganitong bagay. Kinakabahan na sya dahil wala syang maisip na pwedeng gayahin sa gubat, ginaya nalang nya ang unang hayop na pumasok sa isip nya.
ERAP: Mmoooooooooo (tunog ng baka)
ABU SAYAFF: Paputukan nyo!!!!