Dear Charo,
Nais kong ikuwento sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi.
Hindi ko kayang makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon. Malakas ang
ulan noon. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang sa loob ng
aking kuwarto.
Narinig ko si Itay na kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pinto
ay sinabi niya na kailangan daw naming magusap. Pinapasok ko naman po siya
dahil ama ko po siya.
Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado ang pinto. Hinawakan
ni Itay ang braso ko. Napasigaw ako, sabi ko "ITAY huwag, anak mo ako!".
Ngunit hindi tumigil ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginawa.
Pumikit na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha ng aking tatay sa
kanyang ginagawa.
Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto. Sumisigaw na, "Hayop ka
wag mong gawin yan sa anak mo." Ngunit wala pa rin. Ipinaubaya ko na
lamang ang sarili ko sa Diyos.
Pagkalagpas ng ilang oras ay natapos din ang aking Itay. Nang humarap
ako sa salamin ay nagulat ako sa aking nakita. Magaling naman pala
mag-make-up si Itay. Noong gabi na iyon ay nagladlad ng kapa si Itay.
Bakla pala siya. Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa. Naisip ko
na matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami doon
at nagiyakan.
Masaya na kami ngayon at walang problema.
Yours truly,
BADONG