Dumating si Dan sa Amerika sa tulong ng kanyang Kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT baga). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare.
E minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan," sabi ng kumpareng tinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse at mga credit cards ko. Magshopping ka naman sa Mall para malibang ka." "Kung may problema ka, tawagan mo ako sa telepono. Papasok na ako sa opisina."
Dahil siguro sa hiya ni Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos siya, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si Dan sa pamamasyal sa mall.
Nakapili siya ng mga damit na gusto niya. Ngunit pagdating sa cashier, biglang nataranta at natakot si Dan. Tanong ng cashier, "Visa or Master Card?" Karipas si Dan palabas dahit sa takot! "Aba, hinahanap ang visa ko! Baka nabisto na ako! Syet!"
Sakay kaagad siya sa kanyang kotse. Harurot. Kaso, halos wala ng gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglalagay na siya ng gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, "Sir, pay first, please." "Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!" Nagtatakbo si Dan sa mga eski-eskinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa payphone. "(Hingal) Kailangang matawagan ... ko si kumpare... para masundo niya ako rito (hingal)." Pagtaas niya ng handle ng telepono, narinig niya, AT&T how can I help you?"
Aba, anak ng putakteh, alam na TNT ako! Buking na ako!" Pagbaba niya ng telepono, may Amerikanong nakatayo sa likod niya, tanong ba naman, "Are you done?" Napahandusay si Dan sa phonebooth. Biglang bulalas, "Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!" Nagulat ang tisoy, "Hey, be cool, man!" "Naku! Alam pa kung taga saan ako!" "Is that your green car parked in the red zone?"
Hihimatayin na si Danny Boy! "Hinahanapan pa ako ng green card"!!!!! Kaya sa matinding takot, nagpahuli na lang si Dan. Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan na "Dan Balikbayan."