Pitong Katutuhanan sa Mundo
1. Lahat ng nakikita mo ay hindi sa iyo.
2. Hindi mo kayang bilangin and buhok mo.
3. Hindi lahat ng ngipin mo ay abot ng dila mo.
4. Sinubukan ng mga tanga ang pangatlo.
5. Ang Pangatlo ay mali .
6. Mapapangiti ka kasi sinubukan mo ang pangatlo. Hindi ko sinabing tanga ka...joke lang!
7. Alam ko ginawa mo ang pangatlo, huwag ka lang magkakaila.
Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.
Attendant: Naku sir, more than 500 years old na po yang vase.
Erap: Hay salamat. Akala ko bago.
Erap Impeachment Hearing:
Judge: Ano ba talaga nangyari?
Erap: ? (Hindi nagsasalita)
Judge: Sumagot ka sa tanong.
Erap: Naman eh!!! Akala ko ba hearing lang to? Bakit may speaking?
Isinauli ni Erap ang libro sa library:
Erap: Sobrang dami ng characters wala naman storya.
Librarian: kayo pala ang kumuha ng telephone directory namin!
Nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang siya dahil wala naman siyang tinatanim.
Guard: Sir, wala naman kayong tinatanim ah.
Erap: Bobo! Seedless to!
Things you don't want to hear during your own surgery:
Nasaan yung gunting na bago?
Bakit may kalawang to?
10ml? Meron nakasurvive na ba dyan? Sabi ko 5ml lang!
Doc, ubos na po pala yung anesthesia.
Kanina pa bukas yung tiyan, asan yung pantahi?
Sunog! Sunog! Labas lahat!
DOC: Umubo ka!
PEDRO: Ho! Ho! Ho!
DOC: Ubo pa!
PEDRO: Ho! Ho! Ho!
DOC: Okay.
PEDRO: Ano po ba sakit ko doc?
DOC: May ubo ka.
MEKANIKO: Sir, hindi ko po naayos ang preno ng kotse niyo.
CUSTOMER: Ha?! Paano yan?
MEKANIKO: Nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!
BOY: Dad, tulungan mo naman ako sa assignment ko. Find the least common denominator daw.
DAD: Ha? Aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba'y di pa ba nila nakikita?
INA: Anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito. [pagkatapos tawagan.]
ANAK: Nanay, babae po ang sumagot.
INA: Lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong
sabi?
ANAK: 'You only have zero pesos in your account...' Hindi ko na tinapos nanay mukhang matapobre.
ANAK: Nanay, ano po ba yung 10 commandments?
NANAY: Iyon ang sampung utos ng Diyos.
ANAK: Nanay, mas makapangyarihan po pala kayo sa Diyos eh!
NANAY: Bakit naman?
ANAK: Ang dami niyong utos eh!