Hula

Nagpahula ang mag-ina kay Madam Auring
Madam Auring: Bukas mamamatay ang anak mo sa apoy at bato.
Mag-ina: Naku! Umuwi na tayo at mag-ingat tayo, baka pa tayo maaksidente.
Kinabukasan. Galit na galit ang ina, pinuntahan niya ang manghuhula.
Sabi ng ina: Sabi mo mamamatay ang anak ko sa apoy at bato, bakit nasagasaan?
Madam Auring: Huminahon ka, puntahan natin ang lugar ng aksidente.
Pinuntahan nga nila.
Madam Auring: Sabi ko na nga ba at mamamatay siya sa apoy at bato.
Ina: Ano? Nakikita mo bang nasagasaan siya, tapos sasabihin mong apoy at bato?
Madam Auring: Tingnan mo nga ang gulong na nakasagasa: FIRESTONE!!!