Ang magulang

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB 
WELL DONE. "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon
kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng 
bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay. "Kapag yang mantsa
di natanggal sa carpet, magdasal ka na!" 

3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC. "Kaya ganyan, dahil 
sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC. "Kapag
ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang
manonood ng sine." 

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig 
sahibin ng IRONY. "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan
talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
CONTORTIONISM. "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng 
leeg mo, tignan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig
sabihin ng STAMINA. "Wag kang tatayo diyan hangga't di
mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang 
WEATHER. "Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto
nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa 
CIRCLE OF LIFE: "Malandi kang bata ka,iniluwal kita sa
mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR
MODIFICATION. "Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte
na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin 
ng GENETICS. "Nagmana ka ngang talaga sa ama mong
walanghiya!" 

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong
ibig sabihin ng ENVY. "Maraming mga batang ulila sa
magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong 
magulang na tulad namin?" 

13. Si Itay naman ang nag! turo sa akin ng ANTICIPATION."Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong 
ibig sabihin ng RECEIVING. "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR. "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower,wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!" 

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE. "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din ang ulo!"