Kung mayaman at kung mahirap


Kung mayaman ka, meron kang "allergy"**
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang"**

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress"**
Sa mahirap, "sira ang ulo"**

Kung mayaman ka, "pneumonia" daw ang sakit mo**
Kung mahirap, "TB" yon**

Sa mayaman, "hyperacidity"**
Kapag mahirap, "ulcer" dahil walang laman ang tiyan**

Sa mayamang "malikot ang kamay", ang tawag ay "kleptomaniac"**
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"**

Pag mayaman ka, you're "eccentric"**
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad"**

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine"**
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom"**

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic"**
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba"**

Kung ang seƱorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "sun tanned"**
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga"*
*

Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite"**
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot"**

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump"**
Kapag mahirap ka, ika'y "tabatsoy" o "lumba-lumba"...pagminamalas ka,
"baboy"**

Kapag mayaman, "fasting" ang hindi kumain**
Kung mahirap, "nagtitiis"**

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay
"socialite"**
Kung mahirap ka, ikaw ay "pakawala" o "pok-pok"**

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay "liberated"**
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo "malandi"**

Kapag mayaman, "misguided" o "spoiled" ka**
Kung mahirap ka, "addict" o "durugista"**

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo "single parent"**
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo "disgrasyada"*
*
Kapag mayaman at sexy, "fashionable" daw**
Kung mahirap, sigurado "GRO" o "japayuki" ka**

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, "vegetarian"**
Habang kakaawa ang mahirap na " kumakain ng damo."**

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro**
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa
kanila ay "bastos!"**

Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood"*
*
Ang mga mahihirap ay "gumugurang"**
Ang anak ng mayaman ay "slow learner"**
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gung-gong"**

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
"masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking"**
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host
will say to himself na ikaw ay "patay-gutom"**

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang
tawag sa iyo "expat"**
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "contract worker"**

Kung boss ka at binabasa mo ito sa office mo, "okay lang"
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay" nagbubulakbol"...