Pasahe


Sa Isang Jeep

Pasahero: Mama, magkano po yong pasahe?

Driver: 7 pesos yong minimum.

Pasahero: (Dumukot ito sa bulsa para kunin yong pera niya, ngunit sa 'di sinasadyang dahilan kulang yong pamasahe niya.) Patay, kulang 'tong pera ko. Paano kaya ito? (Nag isip ito at lumingon sa driver. Napansin niya na duling ito. Sabi niya sa kanyang sarili, tama duling 'tong driver sigurado 'pag nagbigay ako Ng 3.50 di diya mapapansin na kulang 'tong pera ko, kasi doble 'yong paningin nito. Inabot niya sa driver 'yong pera.

Ngunit laking gulat niya nong may sinabi 'yong driver sa kanya.

Driver: Kulang ito!

Pasahero: Anong kulang? Di ba sabi mo 7peso 'yong minimum?

Driver: Oo nga 7 pesos. Eh! Dalawa kaya kayo.