Showing posts with label Misc Jokes. Show all posts
Showing posts with label Misc Jokes. Show all posts

Pag May Spaghetti

 Italian : Öh thst my favorite"

American : "Dinner time"

Filipino : "Sino may birthday?"

SA PIITAN


JUDGE: halos 10years din pala ginugol mo dto sa loob ng piitan, dahil sa kasong pagnanakaw. Ano naman palang magandang plano naiisip mo paglabas mo dto ng kulungan?
INMATE: Sir! pangarap ko po ang pumasok sa pulitika at manalo.
JUDGE: Bakit sa dinamidami ng pwedeng gawin pag labas mo. Pagpasok pa talaga sa pulitika naisipan mong gawin. Dahil gusto mo bang maglingkod sa taong bayan?
INMATE: Hindi po!
JUDGE: Eh! ano pala nag tulak sayo para pasukin mo ang mundo ng pulitika?
INMATE: Dahil sa pulitika, "LEGAL" po ang magnakaw!

Palakihan ng Bahay

Isang umaga sa labas ng bahay ng kanilang mga amo nag-uusap ang mga katulong tungkol sa kanilang mga ninuno…
inday1: Alam mo ba na mayaman ang ninuno ko at sa sobrang yaman nila ang laki rin ng bahay nila biruin mo pupunta lang sila ng banyo kailangan pa nilang sumakay ng dyip..kaso lang naghirap sila at naibenta ang bahay..


inday2:Hay naku mayaman na ba yun??yung ninuno ko kaya sa sobrang laki ng bahay pupunta ka lang ng sala kailangan mo pang sumakay ng Bus at bumiyahe ng 1 oras. gANUN kalaki bahay ng mga ninunoko..kaso lang nalulong sa sugal kaya naghirap kami..

Si Dong nakikinig lang sa usapan ng dalawang katulong maya-maya dina nakatiis sumabad narin sa usapan.


dong: alam niyo mas mahirap pa sa daga mga ninuno nyo eh!!!!

inday1 &  inday 2: aba paano mo naman nasabi yun eh malalaki ang bahay ng ninuno namin…

dong: Yung ninuno namin sa sobrang laki ng bahay pagpasok nila dun dina sila nakalabas..

inday1: ganun naman pala eh dina nakalabas eh bakit naging katulong ka ngayon nasan naba yung bahay ng ninuno mo..

dong: MUNTINLUPA NA NGAYON….

Ahas

Mag-amang ahas naguusap
Anak : sssssssh Tay, anong lahi po ang mga katulad natin?
Tatay: Lahi tayo nang makamandag na ahas anak ssssssshhhh. At bakit mo naman naitanong ssssshhh?
Anak: ssssahhh Nakagat ko po kasi ang dila ko Tay sssshhhh

Papansin

Secretary: Haayyyy! Gwapo talaga ni Sir! Pano kaya gagawin ko para mapansin beauty ko? Alam ko na! Ilalagay ko panty ko sa ibabaw ng mesa nya.
Hinubad at ipinatong sa mesa. Dumating ang gwapong Sir.

Sir: Kaninong panty ito?
Secretary (pinapungay ang mata at pinalamyos ang boses): Akin Sir, bakit Sir?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sir: Me tae!

Ibang posisyon


Husband: Shall we try a different position tonight?
Wife: That's a good idea dear?.doon ka sa may plantsahan at ako naman
ang uupo sa sofa at manoood ng tv.

Highblood

Si Don Pedro nag pacheckup sa doctor kasi highblood sia. Sinabi ng Doctor na wag na siyang kakain ng matataba tulad ng baboy at balat ng manok. Dapat kumain na lang sia ng mga lumalangoy tulad ng isda. Pagkatapos ng isang buwan bumisita ang Doctor kay Don Pedro. 

Tinanong ng Doctor yung katulong kung saan si Don Pedro. Sinabi ng katulong na nasa swimming pool si Don Pedro. Sabi ng Doctor: “ah nag eehersisyo sa paglangoy si Don Pedro”. Katulong: “D po, tinuturuan yung baboy na lumangoy”.

Balu masayang masaya

Shirley: napapansin ko yata na masayang masaya ka ha, bakit?
Emmy: wala.. bakit masama ba ang magsaya?
Shirley: oo naman, eh libing ng asawa mo ang nandito
Emmy: alam ko. . Eh pinaiiyak ako nung buhay pa iyan
Shirley: kunsabagay ngayon ko rin nakita ang kabaitan ng asawa mo, ngayong patay na.

Biglang Nawala

TIBO : Ang saklap talaga ng buhay...nasa akin ang lahat na banggitin mo-- pera, malaking bahay, mamahaling kotse, magandang babae na nagmamahal sa iyo...tapos... 
POOF...biglang nawala lahat!
IGME : Bakit pare, anong nangyari?
TIBO : Aaaaahhh...Nalaman ng asawa ko

breakfast after honeymoon

lola: alam mo hon, kahit 50 years na tayong kasal, nag-iinit pa rin ang dibdib ko sa iyo
lolo: anak ng pating….paanong hindi mag-iinit dibdib mo…eh nakasawsaw yang dede mo sa kape……

Magtotroso

May isang aplikante ang nag apply bilang isang Magtrotroso.

Aplikante: Sir, Gusto ko po sanang mag-apply bilang isang Magtrotroso.

Employer: Sa Payat mong yang kaya mo bang pumutol ng puno? ahh ok cge, nakikita mo yang punong yan? bibigyan kita ng isang oras para maputol mo yan. pag nagawa mo un, tanggap ka na.

Aplikante: OK Sir!

Nagtungo ang Aplikante sa punong puputulin nya. kung titingnan ang punong ito ay mahigit sa 100 taon. Makaraan ang 15 minuto, bumalik sa Employer ang aplikante.

Aplikante: Sir, Tapos na po, nakatumba na po yung puno.

Employer: (Gulat) Aba! Ambilis mo grabe! Teka san ka ba nagputol ng puno dati?

Aplikante: Ahh Sir, Alam nyo po ba ung SAHARA FOREST?

Employer: SAHARA FOREST? Ang alam ko lang SAHARA DESERT.

Aplikante: EHH YUN NA ATA TAWAG NILA NGAYON. 

SUNDUAN


BF: Sunduin kita mamaya ha,
Bubusina nalang ako kapag nasa harap na ako ng bahay nyo.
GF: OK sige,anong dala mong sasakyan?
BF: Wala....busina lang hehehe.

Namatay ang GF

Girl: Namatay daw gf mo?
Boy: Oo eh.
Girl: Condolence ha?
Boy: Salamat. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na wala na sya.
Girl: Puwede ako na lang pumalit sa kanya?
Boy: Ewan ko... Baka hindi pumayag yung funeral... Buhay ka eh..

Anong Gusto Pag Laki

A: anong gusto mong maging paglaki mo?...
B: cellphone...
A: bakit?!...
B: para maging importante din ako syo... lagi mong hawak... laging pinapansin... at kung mawala o manakaw, alam kung malulungkot ka... 

Mas magaling

Bugaw: Sir, Chicks P1,500, estudiante!

Man: Ganun ba? Hanapan mo ako ng mga P1,000 lang pero mas magaling pa sa estudiante.

Bugaw: Yung PRINCIPAL, sir!

Ano ang tawag

Ano ang tawag sa boobs na maliit?

ABOT-KAMAY

Ano naman ang tawg sa boobs na malaki?

KAPOS-PALAD

Eh, sa flat-chested?

SAWING-PALAD

Juan sa NBI

Inimbitahan ng isang imbestigador sa opisina ng NBI si Juan na walang trabaho pero buhay milyonaryo. Dumating si Juan kasama ang kanyang abogado sa NBI.

Imbestigador: Juan, pinatawag ka namin dito dahil naghihinala kaming isa kang drug trafficker at lider ng isang sindikato dahil nakapagtatakang namumuhay kang milyonaryo gayong ikaw ay walang tinapos at walang trabaho. Gusto naming malaman kung paano ka kumikita ng milyong milyong pera.

Juan: Sir, sa legal pong paraan kong kinikita ang aking mga pera. Sa pamamagitan po ng pustahan ako po ay kumikita ng daang daang libong piso. Kung gusto nyo po patutunayan ko sa inyo. Dodoblehen ko po ang sampung libo ninyo kung makakagat ko ang aking kanang mata.

Imbestigador: Imposibleng makagat mo ang yong mata. Sige, call ako dyan.

Dinukot ni Juan ang kanyang pekeng mata sa kanan at kinagat. Nagulat naman ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: Sir, dodoblehen ko po ang singkwenta mil ninyo kung pupusta kayong kaya kong kagatin ang aking kaliwang mata.

Imbestigador: Yan ang talagang imposible. Paano ka makakakita kung parehong peke ang dalawa mong mata. Call ako dyan!

Kinuha ni Juan ang kanyang pustiso at kinagat ang kaliwang mata. Mangingiyak ngiyak ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: (Pumunta sa dulo ng dalawang metrong mesa ng imbestigador) Sir, dodoblehen ko po ang ang sandaang libo ninyo kung pupusta kayo na kaya kong umihi sa basurahan nyo na nasa kabilang dulo ng mesang ito mula rito sa kinatatayuan ko. Patutunayan ko sa inyo na di mababasa ng kahit isang patak ang mesa nyo.

Imbestigador: Pinatatawa mo ako, Juan. Iyan ang talagang imposible. Sigurado akong di ka na mananalo sa pustang yan. Kaya, call ako!

Umihi si Juan at dahil sa imposibleng abutin ng ihi niya ang basurahan sa kabilang dulo ng dalawang metrong mesa ay sinadya na lang nyang ihian ang mesa ng imbestigador. Napahalakhak ang imbestigador sa tuwa. Ngunit, tawa rin ng tawa si Juan.

Imbestigador: Eh bakit tawa ka pa nang tawa, eh talo ka na nga ng sandaang libo?

Juan: Sir, natutuwa po ako dahil nanalo po ako ng limang daang libong piso sa pustahan namin ng abogadong kasama ko. Nagpustahan po kami na ako ang mananalo kung kayo ay matutuwa kapag inihian ko ang mesa ninyo.

Abogado: Waaaahhhhh!

Agapito

Teacher: what’s your name?

Pupil: early seven strikeland po!

Teacher: niloloko mo ba ko?

Pupil: hindi po, yan ang name ko sa inglis! Sa pilipino po, Agapito Hampaslupa.

Trip-trip lang

Killer: Father mangungumpisal po ako…Father: ano ba kasalanan mo???
Killer: pumatay po ako ng 20 katao…
Father: Bakit??
Killer: kasi po naniniwala sila sa Diyos… kayo po ba naniniwala??
Father: Dati, pero ngayon trip-trip lang