Showing posts with label Maikling Jokes. Show all posts
Showing posts with label Maikling Jokes. Show all posts

Pabango

Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.
Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"
Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!"
ulit ni Ngongo, "Ale, mango!"
Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango at nabasag.
Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!

Ampon

Anak: 'Nay, tinutukso po ako ng kalaro ko na anak ako sa labas! 
Nanay: Hindi totoo 'yan, anak. Ang sabihin mo sa kanila, ampon ka!

Promotion

Judge: Ikaw na naman! Sampung taon ka nang dito humaharap sa korte ko, ha? 
Swindler: Your honor, hindi ko kasalanan kung hindi po kayo ma-promote. 

Panchito, Babalu at Dolphy

Panchito: Vitamins ko ABC -- Alak, Babae at Cigarette. 
Babalu: Ako naman DEF -- Damo, Egg at Frutas. 
Dolphy: Ako, from A to Z. Alma to Zsa Zsa. 

Hanapin

Anak: PA ! Tulungan mo nga po ako sa Assignment ko ..
PAPA: Anu ba yung Assignment mo ?
Anak: Hanapin daw ung Denaminator ..

PAPA: Grade 3 pa ko nyan Aa.. Di parin nila nahahanap !!!!

Science


Teacher: Class our lesson for today is Science...What is Science?

Estudyante: Mam..Science is our lesson for today.

Gantihan

ANAK: Tay yung kaklase ko ang damot talaga.

TATAY: Bakit anak?

ANAK: kasi hindi niya ako ininvite sa libing ng tatay n'ya kainan na naman sana dun,..tingnan n'ya lang tay hindi ko rin sya iinvite sa libing muh.

Muntik Lang

Anak: Nay muntikan na po akong maging top 1 sa klase.
Nanay: Bakit mo naman yan nasabi anak?
Anak: Kasi po nung nag announce si teacher kung sino yung top 1 yung tinuro po yung katabi ko..muntikan ng maging ako.

Kaibigan

Ang kaibigan, parang unan. Andiyan kapag kailangan.
Pwede mong iyakan. Pwede mong yakapin.
Kaya kapag kailangan mo ng kaibigan… bumili ka ng unan!

Math Problem

BF: Kunwari nakapulot ako ng 30.

GF: Oh tapos?

BF: Tapos bumili ako ng hamburger 18 pesos ang isa. Magkano
sukli ko?

GF: 12 pesos.

BF: Bobo! Dos lang! Bente lang yung binigay ko. Bakit may nakita ka bang 30 pesos na buo? Tsk!

Aksidenti


Isang araw papasok ako ng paaralan ng makita ko na bumangga ang isang jeep sa poste.
Grabe, kung nandoon ka lang ang daming sugatan.
Pero isang agaw pansin, isang pasahero na gumagapang papunta sa driver...
At nag sabi cya ng ganito...
PASAHERO: "Manong yung sukli po ng bente".

Uod Pa Din

PEDRO: Ano tawag sa uod na nasa gitna ng kalsada? 
JUAN: (Nagiisip) Hindi ko alam eh, ano ba? 
PEDRO: Edi uod pa din, nasa gitna lang naman ng kalsada e.

What an A**

Men look at a woman's behind and go "Oh!what an ass!"
women look at mens face and go "oh! what an ass!"

Aanhin ko

Aanhin ko ang napakalaking bahay, mamahaling sasakyan, milyun-milyong kayamanan, at masasarap na pagkain kung ang kapit-bahay ko ang may-ari ng mga iyun?!

Moon lang

Nanay: Ano 'tong malaking zero sa test paper mo?
Anak : Hindi po 'yan zero, 'Nay. Naubusan lang ng star ang teacher ko kaya binigyan niya ako ng moon! Moon lang 'yan, 'Nay, promise!

Sino si Jose Rizal

Guro: Sino si Jose Rizal?
Juan: Di ko po kilala.
Guro: Ikaw Pepe?
Pepe: Di ko rin po kilala..
Guro: Di nyo kilala si Jose Rizal?
Pedro: Ma'm, baka po sa kabilang section sya!

Bakit

Boy: Di na tuloy ang kasal natin
Girl: Bakit?!
Boy: Kuya mo kasi eh!
Girl: Hindi no! Gusto ka ng Kuya ko!
Boy: Yun nga eh...gusto ko rin ang kuya mo!

American guy

American guy named Paul challenged a Filipino:
American: Use my name 4 times in a sentence!
Pedro: Paul, be carePaul, you might Paul in the swimmingPaul.

Biyaya na makukuha sa Gulay


AMPALAYA - pampapula ng dugo
KALABASA - pampalinaw ng mata
TALONG - pampatirik ng mata
MANI - pampatirik ng TALONG. Ay! nalito na ako.

Papakunsulta

Sexy: Dok, papakunsulta po…

Dok: O sige iha, hubad na!

Sexy: Ay, hindi po ako Dok. Ito pong lola ko ang papakunsulta sa inyo!

Dok: Ah ganon ba? O sige lola, hinga nalang ng malalim!