Sa Isang Talyer


Mekaniko: Sir, hindi ko po naayos preno ng kotse niyo.
Customer: Huh?! Paano 'yan?
Mekaniko: Nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!

Alimasag


Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.
Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"
Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!"
Ulit ni Ngongo, "Ale, mango!"
Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango at
nabasag.
Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!"

Niloko



Pablo: Niloko ko yung tindera kanina.
Jun: Paano mo naman niloko yung tindera?
Pablo: Nagpaload ako! Eh, wala naman akong celfon.

Beauty Contest


Emcee: What's the big problem facing the country today?
Contestant: Drugs
Emcee: Very good, why do you say that?
Contestant: Ang mahal kasi eh!

Playing Safe



Manghuhula: Sorry Misis, but your husband will meet a violent death.
Wife: Alam ko po 'yon, ang gusto kong malaman kung maaabsuelto ba ako??

The Prize


Wife: (Shouting...) Honey mag-impake ka na,
nanalo ako sa lotto!.
Husband: Wow! Anong dadalhin ko?!
Wife: Wala akong pakialam basta lumayas ka na!.

Zorro


Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!
Misis: Eh ako, sino?
Mister: Si DACOZ!
Misis: Dacoz? Sino 'yon?
Mister: DA COZ of all my ZORROs!

Pretty Or Ugly


Wife: Hon, am I pretty or ugly?
Husband: Uhm?.. both..
Wife: Anong both? Pwedeng pretty or ugly?
Husband: Ang ibig kong sabihin, you're pretty ugly.

Sa Isang Hospital



WIFE: Hon, nahihirapan akong huminga.
HUSBAND: Kung nahihirapan ka ng huminga, itigil mo na.

Driver


"WIFE: maghiwalay na tayo!
MAN: ok, akin ang bahay!
WIFE: akin ang farm!
MAN: akin ang kotse!
WIFE: ah pero akin ang driver
MAN: Pwes, magkakamatayan tayo,
MATAGAL NA SIYANG AKIN!"

Payabangan sa Jeep

Girl: Bayad…
Driver: Ilan tong 50?
Girl: Isa lang kuya, Estudyante, Nursing sa Ateneo, 

Kasasakay lang.
Boy: (Nayabangan. Nagbayad ng 500) Manong Bayad..
Driver: (Galit) Ilan tong 500?
Boy: 1 lang, Keep the change. Seaman, Kadarating lang.
Sira Ulo: (Tumawa, Inabot ang 1000) Manong Bayad…
Driver: (Galit na galit) Peste! Ilan tong 1000?
Sira Ulo: Tatlo, Isama ang Nurse at Seaman. 

Keep the change. Galing Mental kalalabas lang!hahaha

Common Sense


Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher..

Teacher: Bakit blank ang work mo?

Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo.

Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo?

Bata: Ubos na po,kinain ng baka.

Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka?

Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo? syempre umalis na po. Common sense naman mam!

May Tatlong Bampira sa Bar


RICH VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood.
ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order na dinuguan.
POOR VAMPIRE: Hot water na lang sa akin.
WAITER: Bakit hot water lang po.?
POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto. Mag-tsa tsaa na lang ako... Hahaha!

Mahal ako ni tatay


ANAK: 'Tay! Sino mas mahal mo, ako o si nanay?

TATAY: Syempre ikaw anak...

ANAK: Kaya pala kapag madaling araw, ako po ay kinukumutan niyo at si nanay naman po ay hinuhubaran niyo... sweet niyo talaga 'tay, a lab u.... 

COMPLETE VERSION



Dad: Anak bili mo ko soft drinks.
Anak: Coke o Pepsi?
Dad: Coke!
Anak:Diet o Regular?
Dad: Regular!
Anak:Bote O Can?
Dad: Bote!
Anak: 8 oz. o Litro?
Dad: Punyeta! Tubig na lang!
Anak: Natural o Mineral?
Dad: Mineral!
Anak: Malamig o Hindi?
Dad: Hampasin kaya kita ng walis?
Anak: Tambo o ting ting?
Dad: Animal ka!
Anak: Baka o Baboy?
Dad: Layas!
Anak: Ngayon o bukas?
Dad: Ngayon na!!!
Anak: Hatid mo ko Indi?
DAd: Patayin kaya kita?
Anak: Saksakin o barilin?
Dad: Babarilin!!
Anak: Sa Ulo o Tiyan?
Dad: Pesteeeee!!!!
Anak: Ipis o Daga??
Dad: Waaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!

Pasahe


Sa Isang Jeep

Pasahero: Mama, magkano po yong pasahe?

Driver: 7 pesos yong minimum.

Pasahero: (Dumukot ito sa bulsa para kunin yong pera niya, ngunit sa 'di sinasadyang dahilan kulang yong pamasahe niya.) Patay, kulang 'tong pera ko. Paano kaya ito? (Nag isip ito at lumingon sa driver. Napansin niya na duling ito. Sabi niya sa kanyang sarili, tama duling 'tong driver sigurado 'pag nagbigay ako Ng 3.50 di diya mapapansin na kulang 'tong pera ko, kasi doble 'yong paningin nito. Inabot niya sa driver 'yong pera.

Ngunit laking gulat niya nong may sinabi 'yong driver sa kanya.

Driver: Kulang ito!

Pasahero: Anong kulang? Di ba sabi mo 7peso 'yong minimum?

Driver: Oo nga 7 pesos. Eh! Dalawa kaya kayo.

Sekyu


Airforce: "No guts, No glory!"

Marines: "No retreat, No surrender!"

Army: "No pain, No gain!"
Naks ayaw patalo ang Security Guards: "No I.D, No entry!"

Lagot Gabi Na

GF: Lagot ginabi ako! Ano sasabihin ko kay itay?

BF: Unahan mo.. 'Bkit ngayon lng ako umuwi ha? San ako galing? Sobra nA ko! Pasok sa kuwarto!'

Erap at Starbucks


Erap: Waiter, isang kape nga!
Waiter: Sir, decaf ho ba?
Erap: Syempre! Bobo! Lahat ng kape, de cup!
Bakit, may nakaplato ba?!

A song


A song for our Honorable Politicians, Congressmen and Senators, Mayors and Governors:
(To the tune of Boom Tarat-Tarat)
"BOOM CORRUPT CORRUPT,
BOOM CORRUPT CORRUPT,
KURAKOT, KURAKOT,
BOOM BOOM BOOM!"