Maikling Jokes


Usapan ng dalawang mayabang...
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa
akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

WHO'S GUILTY?
Wife dreaming in the middle of the night suddenly shouts, "Quick, My
husband is back!"
Man gets up, jumps out the window and realizes, "Damn! I am the
husband!"

Ang pagmamahal ay hindi inaasahan. Dumarating nang biglaan.
Magugulat ka na lang minsan...Pag bumili ka sa tindahan, P1.50 na pala ang isang Boy  Bawang...Ang bilis magmahal!

Kaloy: Anong pulutan n'yo kahapon sa birthday mo?
Ramon: Pata!
Kaloy: Wow! Anong klaseng pata?
Ramon: PATAgalan ng kuwento!

Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan
tayo?!

Toto: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy!
Juvy: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?
Toto: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!


T: Bakit nahihiya ang biik?
S: Kasi, ang nanay niya, baboy.
T: Bakit nahihiya ang kambing?
S: Kasi, ang nanay niya, may balbas.
T: Bakit nahihiya ang sisiw?
S: Kasi, ang nanay niya, may itlog. Ang tatay niya, wala
T: Bakit hindi nahihiya ang langgam?
S: Kasi, ang mga magulang niya, sweet.
T: Bakit hindi nahihiya ang pagong?
S: Kasi, bata pa lang siya, may sarili nang bahay!
T: Bakit hindi nahihiya ang buwaya?
S: Kasi, makapal ang mukha niya.
T: Bakit hindi natatakot ang bangus?
S: Kasi, matinik siya.
T: Bakit hindi natatakot ang tuko?
S: Kasi, ang kapit niya, malakas.
T: Bakit hindi natatakot ang garapata?
S: Kasi, para siyang bangaw na nakatuntong sa kalabaw.
T: Bakit natatakot ang pusa?
S: Kasi, baka siya matinik.
T: Bakit natatakot ang lamok?
S: Kasi, baka maling tipo ng dugo ang maisalin sa kanya.
T: Bakit natatakot ang ahas?
S: Kasi, baka ang asawa niya eh ahasin.
T: Bakit natatakot ang kuwago?
S: Kasi, ang biyenan niya, masamang tumingin.
T: Bakit natatakot ang sisiw?
S: Kasi, baka magmana siya sa magulang niya... Chicken Joy na!

Anak: Tatay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!
Tatay: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita.
(Pagpatay sa ilaw, dumating ang mga alitaptap... )
Anak: Hala ka, Tatay, nagdala sila ng flashlight!

Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag‑asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag‑asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

Lito: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?
Joseph: Diyos ko naman! Di mo ba alam 'yun?! Ang H2O ay water! At
ang CO2... cold water.

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang
sabihin kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Dado. Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado."Ikaw ba 'yan, Dado?" usisa ni Rodel. "Oo naman!" tugon ni Dado."Parang hindi totoo!" bulalas ni Rodel. "O, ano, meron bang
basketbol sa langit?" Sagot ni Dado, "May maganda at masama akong balita sa 'yo. Ang maganda, may basketbol doon. Ang masama... kasali ka sa makakalaban namin bukas!"

Different prayers of single women...
At Age 15: Lord, give me SuperMAN.
At Age 18: Lord, give me a cute MAN.
At Age 20: Lord, give me the best MAN.
At Age 30: Lord, give me a good MAN.
At Age 40: Lord, give me a MAN.
At Age 50: Lord, give me sinoMAN.
At Age 60: Lord, maawa ka naMAN.
At Age 70: Lord, kaya ko pa naMAN.
At Age 80: Lord, kahit hipo MAN lang.

Usapan ng dalawang bata...
Junjun: Magaling ang tatay ko! Alam mo, 'yang Pacific Ocean, siya
ang humukay nun!
Pedrito: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo 'yung Dead Sea?
Junjun: Oo...
Pedrito: Siya ang pumatay nun!

Stewardess: Do you want a drink, sir?
Sir: What are my choices?
Stewardess: Yes or No.

Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw‑araw na lang tayong nag‑aaway
Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
Mister: Ako rin, sawang‑sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa
siguro, sumama na ako sa 'yo!

Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang ipagsabi.
Nahihiya ako...
Mister: Okey.
Kinabukasan, dumating ang taga‑Mercalco. ..
Taga‑Meralco: Misis, delayed po kayo ng one month.
Misis: Ha? Bakit mo alam?
Taga‑Meralco: Nasa record po.
Mister: Bakit naka‑record diyan na delayed ang misis ko?
Taga‑Meralco: Kung gusto ninyong mawala sa record, magbayad kayo!
Mister: Eh kung ayokong magbayad?
Taga‑Meralco: Puputulan kayo!
Mister: Eh anong gagamitin ni misis?
Tag‑Meralco: Pwede naman siyang gumamit ng kandila.

Advantage at disadvantage ng may‑asawa...
ADVANTAGE: 'Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: 'Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!

What is the difference between a girlfriend, a call girl and a wife?
Sagot: Post paid, pre paid, unlimited.

Do you know INNER ROW?
What is INNER ROW?
Inner Row is that which comes before Pibrerow, Marsow, Abril,
Mayow...

Sa isang classroom...
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.

Parental Wisdom

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE:
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga l*ch* kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC:
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:
"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM:
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:
"Wag kang tatayo diyan hanggat di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION:
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:
"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY:
"Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION:
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING:
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR:
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE:
"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"

magkano ang facelift?

Matrona: Dok, magkano ang facelift?

Dok: 250 Thousand.

Matrona: Ang mahal naman! Ano ba ang pinakamurang magpapa-mukha sa aking bata?

Dok: Eto tsupon, bente lang.

WA he he he he he

Nagpunta sa Doktor si Tina

Doktor : Ano problema iha!

Tina : Lagi pong sumasakit yung ari ko at tumatama sa matris ko yung ari nya tuwing nag se s3x kami ng mister ko..Mahaba po kasi...

Doktor : "Walang problema jan..dalin mo dito yung Mister mo at putolan ko yung ari nya!..

Tina : Ay!! huwag na lang Dok.."Paki adjust na lang yung matris ko" Ngek!

Maikling Jokes

Misis : Darling, ano ang tawag sa isang asawa na sexy, maganda, hindi selosa, mapagmahal, masipag, mapagkalinga, masarap magluto?
Mister: Guni-guni!

***
TANONG: Paano mo sasabihin sa isang babae na mataba siya nang hindi siya mababastos?
SAGOT: 'Uhm, excuse me, miss...Mang Tomas ba ang lotion mo?'

***
Aanhin ko ang napakalaking bahay, mamahaling sasakyan, milyun-milyong kayamanan, at masasarap na pagkain kung ang kapit-bahay ko ang may-ari ng mga iyun?!

***
Nanay: Ano 'tong malaking zero sa test paper mo?
Anak : Hindi po 'yan zero, 'Nay. Naubusan lang ng star ang teacher ko kaya binigyan niya ako ng moon! Moon lang 'yan, 'Nay, promise!

***
Mga sikat na salawikain:
Better late than pregnant.
Kapag may tiyaga, good luck!
Aanhin pa ang damo...kabayo ba ako?
Do unto others, then, run! Run! Run!
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay lumaki sa ibang bansa.
Ang lalaking nagigipit, sa bakla kumakapit. :)) :)) :))

***
Guro: Sino si Jose Rizal?
Juan: Di ko po kilala.
Guro: Ikaw Pepe?
Pepe: Di ko rin po kilala..
Guro: Di nyo kilala si Jose Rizal?
Pedro: Ma'm, baka po sa kabilang section sya!

***
Pedro: Pare balita ko bading ka daw. totoo ba?!
Ambo: Pare, Mga chismax lang 'yun galing sa mga chuvanes na walang magawa sa mga chenilyn nila .... chura nila ! hmpf!

***
Boy: Di na tuloy ang kasal natin
Girl: Bakit?!
Boy: Kuya mo kasi eh!
Girl: Hindi no! Gusto ka ng Kuya ko!
Boy: Yun nga eh...gusto ko rin ang kuya mo!



Misis: lolokohin ko mister ko, magpapanggap ako na prosti dito sa kanto.
Timing (dumaan ang mister nya....)
Misis: Pogi! available ako ngayon, pwede ka ba?
Mister: Yoko sayo...kamukha mo misis ko!

***
American guy named Paul challenged a Filipino:
American: Use my name 4 times in a sentence!
Pedro: Paul, be carePaul, you might Paul in the swimmingPaul.


***
Biyaya na makukuha sa Gulay:
AMPALAYA - pampapula ng dugo
KALABASA - pampalinaw ng mata
TALONG - pampatirik ng mata
MANI - pampatirik ng TALONG. Ay! nalito na ako.


***
Juan: Birthday ng asawa ko...
Pedro: Ano regalo mo?
Juan: Tinanong ko kung ano gusto niya.
Pedro: Ano naman sinabi?
Juan: Kahit ano basta may DIAMOND.
Pedro: Ano binigay mo?
Juan: Baraha.

Dalawang mag kumare

Mare1= Mare pwede bng d2 muna ako? Naglayas ako sa amen eh. Buntis ako.....

Mare2= Diba dapat dun ka pumunta sa nkabuntis sayo?

Mare1= Kaya nga....Dyan ba c pare?

Nyehehehe

Maikling Jokes

Pitong Katutuhanan sa Mundo
1. Lahat ng nakikita mo ay hindi sa iyo.
2. Hindi mo kayang bilangin and buhok mo.
3. Hindi lahat ng ngipin mo ay abot ng dila mo.
4. Sinubukan ng mga tanga ang pangatlo.
5. Ang Pangatlo ay mali .
6. Mapapangiti ka kasi sinubukan mo ang pangatlo. Hindi ko sinabing tanga ka...joke lang!
7. Alam ko ginawa mo ang pangatlo, huwag ka lang magkakaila.

Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.
Attendant: Naku sir, more than 500 years old na po yang vase.
Erap: Hay salamat. Akala ko bago.

Erap Impeachment Hearing:
Judge: Ano ba talaga nangyari?
Erap: ? (Hindi nagsasalita)
Judge: Sumagot ka sa tanong.
Erap: Naman eh!!! Akala ko ba hearing lang to? Bakit may speaking?

Isinauli ni Erap ang libro sa library:
Erap: Sobrang dami ng characters wala naman storya.
Librarian: kayo pala ang kumuha ng telephone directory namin!

Nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang siya dahil wala naman siyang tinatanim.
Guard: Sir, wala naman kayong tinatanim ah.
Erap: Bobo! Seedless to!

Things you don't want to hear during your own surgery:
Nasaan yung gunting na bago?
Bakit may kalawang to?
10ml? Meron nakasurvive na ba dyan? Sabi ko 5ml lang!
Doc, ubos na po pala yung anesthesia.
Kanina pa bukas yung tiyan, asan yung pantahi?
Sunog! Sunog! Labas lahat!


DOC: Umubo ka!
PEDRO: Ho! Ho! Ho!
DOC: Ubo pa!
PEDRO: Ho! Ho! Ho!
DOC: Okay.
PEDRO: Ano po ba sakit ko doc?
DOC: May ubo ka.

MEKANIKO: Sir, hindi ko po naayos ang preno ng kotse niyo.
CUSTOMER: Ha?! Paano yan?
MEKANIKO: Nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!

BOY: Dad, tulungan mo naman ako sa assignment ko. Find the least common denominator daw.
DAD: Ha? Aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba'y di pa ba nila nakikita?


INA: Anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito. [pagkatapos tawagan.]
ANAK: Nanay, babae po ang sumagot.
INA: Lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong
sabi?
ANAK: 'You only have zero pesos in your account...' Hindi ko na tinapos nanay mukhang matapobre.

ANAK: Nanay, ano po ba yung 10 commandments?
NANAY: Iyon ang sampung utos ng Diyos.
ANAK: Nanay, mas makapangyarihan po pala kayo sa Diyos eh!
NANAY: Bakit naman?
ANAK: Ang dami niyong utos eh!

Embalsamador at Balo

Nagadan si agom na lalake. Si balo nag rusog (nagbaba) sa bulod para magkua nin embalsamador. Taod taod nag abot na si embalmer asin pig punan na ang pag embalsama.

Embalmer: "Mrs, buhay pa tabi ang mister mo, naghihiro pa. Dai ko na lang ipadagos tibaad buhay pa"

Balo: "Dai pwede, kaipuhan ipadagos mona ta maka supog dakulon ng bisita asin sayang naman pig buno na su ihahandang orig. Asin saro pa, binayadan na kita"

First love never dies

ANAK: Inay, totoo ba na "First love never dies?"

NANAY: Aba, oo. Tingnan mo yang tatay mo, hanggang ngayon, buhay pa ang animal!

Patigasan ng ULO

Sa gitna ng kagubatan nagkaroon ng malawakang paligsahan sa "Patigasan ng Ulo". Ang mga kalahok ay isang Amerikano, Hapon at Pilipino. Tatlo silang maglaban-laban.

Inumpisahan na ang paligsahan....

(First)
Amerikano: Kumuha siya ng hallow block at inuntog ito sa ulo niya, nabasag ang hallow block.
(2nd)
Hapon: Tumakbo siya at ibinangga ang ulo niya sa pader, laking gulat ng lahat at nagiba na ang pader.
(3rd)
Pilipino: Walang kibo! at ayaw niyang sumunod sa judges.. Pinipilit siya at hanggang sa sumuko na ang mga judges at nagalit ito kay Pilipino kasi matigas talaga ULO niya... hehehe

At ang Pilipino ay nagwagi sa laban kasi siya ang pinakamatigas ang ulo sa kanila.

Pedro Natuklaw ng Ahas

Isang araw naglalakad si pedro sa gubat ng sya ay maihi................... habang umiihi si pedro ay may nakita syang ahas at sya ay tinuklaw sa tuuutuut nagmadali agad umuwi si pedro sa kanilang bahay at nadatnan nya si juan.....

Pedro:juan natuklaw ako ng ahas sa ano ko.

Juan:hala patingin nga...

nakita ni juan ang tuklaw ni pedro...

hala naga laki naman ng tuklaw sau sige pupunta agad ako sa manggagamot....

ilang saglit pa ay nasa manggagamot na si juan..

Juan:dakilang manggagamot tulungan nyo po ako natuklaw ng ahas si pedro ano po ang gagawin ko?

manggagamot:ah....eh...kwan sipsipin mo para matanggal ang kamandag...

Juan:ah...ganon po ba sige salamat po..

ilang sandali pa ay dumating na si juan sa bahay...

Pedro:o ano ang sabi ng manggagamot?

Juan:mamamatay kna daw.........

3 Tanga Nagsisiksikan sa maliit na kama

TANGA1: Pare, di tayo kasya. Bawas tayo ng isa, sa lapag na.
lang matulog. (Bumaba si Tanga 1.)
TANGA2: Ayan, pare maluwag na, akyat kana dito!

pedro and the foreigner

pedro bumps a foreigner
pedro:ay sori
foreigner:sorry too.
pedro:sori 3
foreigner:what did you sorry for?
pedro:sori 5
foreigner:i think you are sick
pedro:ahaha sick daw edi seven ang sunod